OPHIR

Aside

  At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
Isaiah 13:12

   Marahil bago sa pandinig nyo ito at maglalaro sa inyong mga kaisipan ano ba yung OPHIR? Hayaan niyong iihayag ko sa inyo kung ano yung katotohanan sa pangalang OPHIR.

   At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
Genesis 10:29

   At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan, at mga bataan na bihasa sa dagat; at sila’y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon, at nagsipagdala mula roon ng apat na raan at limangpung talentong ginto, at dinala sa haring Salomon.
2 Chronicles 8:18

  Siguro naman may idea na kayo kung sino o ano yung OPHIR at kung ano yung halaga nito sa Biblia at sa Buhay natin hayaan ninyong ihayag ko sa inyo yung katotohananan sa likod ng Pangalang OPHIR.

  At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una’y Peleg; sapagka’t sa mga araw niya’y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
Genesis 10:25

  At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
Genesis 10:30

  Bakit nga ba may Continental Drift at Mapa ng Pilipinas hayaan nyo akong ihayag sa inyo ang katotohan sa likod ng mga Litratong ito. May Idea naba kayo kung sino si OPHIR?

  Ito nga ang sali’t saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila’y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
Genesis 10:1

Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
Genesis 10:22

  At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
Genesis 10:24

  At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una’y Peleg; sapagka’t sa mga araw niya’y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
Genesis 10:25

  At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
Genesis 10:26

  At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
Genesis 10:29

  At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
Genesis 10:30

 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
Genesis 10:31

  Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.
Genesis 10:32

  Hindi ka naman siguro tutol sa Banal na Kasulatan maliban na lamang may ibang reference ka na gagamitin at ibang unawa na naituro sayo ng Mangangaral mo maraming sumubok magpaliwanag marahil tama sila sa kanilang paliwanag pero ano ang maging dapat Batayan natin sa pag susuri meron naman tayong Biblia alamin lang natin kung papaano ang tamang paggamit nito at tamang pag unawa .Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka totoo ang sinasabi sa Banal na Kasulatan.Bakit nga ba nagsisiparoon sila sa Bansang Ophir?

  At sila’y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, at dinala sa haring Salomon.
1 Kings 9:28

  At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, ay nagsipagdala ng saganang kahoy na almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir.
1 Kings 10:11

  At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato.
2 Chronicles 9:10

  Sa makatuwid baga’y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:
1 Chronicles 29:4

  At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
Isaiah 13:12

  Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
Matthew 21:43

  Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
Romans 9:25

  Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
2 Chronicles 7:14

  Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
1 Peter 2:9

  Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa’t ngayo’y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa’t ngayo’y nagsipagkamit ng awa.
1 Peter 2:10

  Bakit nga ba Pilipinas yung napili at hindi sa ibang Bansa kung inyong aaralin sang ayon sa mga Kasulatan .Kung inyong mapapansin yung mga propesiya ng mga Propeta at mga Apostol ay tumutukoy sa iisang direksyon ito ay ang Silangan at ano ang significance nito sa paksang pinag uusapan natin.Marahil napukaw ko ang atensyon mo at nagulat ka sa mga nalaman mo.Marahil ay hindi mo pa ito matatanggap sa ngayon.Hayaan mong laliman pa natin ang iyong pagsusuri at pag tuklas ng mga Hiwaga na nakatago sa Banal na Kasulatan.

Ang Bayan ng Dios

  Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
Matthew 21:43

  Gusto mo bang malaman ang PROPESIYA tungkol sa bayan ng Dios at kung bakit ang PILIPINAS ang kinatutuparan sa HULA NG MGA PROPETA at sinasabi ng mga APOSTOL? Halika, umpisahan na natin.

  Alam mo ba kung saan napunta o nagpatuloy ang mga Bible Character pagkamatay nila? Kapag sinuri mo ang mga kasulatan, malalaman mong sila’y nadatnan ng mga uhaw na mga lobo o mga mangangaral na nagtuturo ng iba’t ibang doktrina. At siyempre, itatanong mo kung ano ang nangyari tupa nang pinasok sila ng mga LOBO sa kawan. Sila ay nangalat sa iba’t ibang mga dako at lugar ng mundo.Hindi rin ito mag mumula sa bandang KALUNURAN kasi wala naman PROPESIYA na tinutukoy na ito ay mag mumula sa KALUNURAN dahil ang sabi sa Banal na Kasulatan .

  Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;
Zechariah 8:7

  Kung inyong mapapansin may DIREKSYON na tinutukoy ng pagliligtas ng Panginoon at ito po ay magmumula sa parte ng SILANGANAN.

  Kaya’t luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga’y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.
Isaiah 24:15



  Bago ko ilatag sa inyo yung tungkol sa Bayan ng Dios ay hayaan nyo muna ilatag ko sa inyo yung pinagmulan at kung ano yung totoong nangyari sa Bayan ng Dios.

  At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka’t ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
Exodus 34:27

Ayon sa Banal na kasulatan nakipagtipan ang Dios kay Moises at sa Israel at ito yung tinatawag nilang BAYAN NG DIOS ang unang Bayan ng Dios pero ano ang nangyari sa Bayan ng Dios tumalikod sa pananampalataya yung mga Tao ng Israel kaya umalis ang Dios sa Israel at matagal ng walang Dios sa Israel

Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
Malachi 4:4

Ito’y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
Acts 7:38

Siguro naman may IDEA na kayo kung ano yung Unang Bayan ng Dios

BIBLE HISTORY

  Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon at basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Isaiah 34:16

  Pag-ibig at Kapayapaan sa iyo KAIBIGAN                   Marami sa atin ang nalilito kung ano ba talaga ang tunay na Biblia o Kasulatan o Mensahe ng Dios para sa kanyang mga lingkod. Kung hindi natin ito aaralin, baka madaya tayo. Kaya nandito ako upang ibahagi sa inyo ang katotohanan na itinuturo ng Biblia.

 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
Luke 1:1
Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita,
Luke 1:2
Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Luke 1:3

  Ang sabi ng iba sila ang Authority na magsalin or sila raw yung nag Compile sabi lang yun dapat ba tayong maniwala sa mga sinasabi ng mga tao o aral Tao .Nasa sa iyong kaisipan na ang pag papasya.

  Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
Hebrews 1:1

  Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;
Hebrews 1:2

  Malinaw na siguro sa inyo base sa mga talata na mga inilatag ko may inutusan siya at hindi ito kung sino sino lang. Kailangan yung lingkod ng Dios at hindi po iyon manngagaling sa Tao.

  Kayo’y magsipagingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’t saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:
Colossians 2:8

  Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
Deuteronomy 12:32

  Ano ibig sabihin nitong talata kung inyong lalaliman ang inyong unawa makikita nyo rito kung sino yung inuutusan.Ang inuutusan po dito yun pong mga alagad hindi po yung kung sino sino lang hindi ba kayo napa paisip kung bakit napakadaming libro sino ba sa kanila yung tama.Ugatin natin yung pinagmulan ng ating kasaysayan tungkol sa Banal na Kasulatan

Ano nga ba ang Salin ng Biblia ang dapat nating gamitin o pagbasehan o dapat nating isang alang alang . Ako kasi mas maalwan sa akin gamitin yung ANG DATING BIBLIA 1905 kasi sa aking karanasan malapit ito sa mga interlinear

Ang Araw ng Kamatayan ng PJC

Ang sabi ng iba Biernes namatay ang Panginoong Jesucristo pero ano ang patunay nila .Hindi tayo dapat naniniwala sa sabi sabi ng iba dapat may basehan tayo ng Banal na Kasulatan.

Nang magkagayo’y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.
Matthew 12:38

Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
Matthew 12:39

Sapagka’t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.
Matthew 12:40

Malinaw na iniulat ng Banal na Kasulatan mayroong Tanda ang Tanda ni Jonas na kinakailangan mangyari sa anak ng tao na ang Panginoong Jesus’ Cristo.

Kung inyong mapapansin naganap yung Tanda sa Panginoong JesusCristo yung tanda ni Jonas maging mapanuri po tayo sa ating mga binabasa dapat may basehan tayo parati.

At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.
Mark 16:2
Mark 16:3
Mark 16:4
Mark 16:5
Mark 16:6
Mark 16:7
Mark 16:8

Nang siya nga’y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya’y pitong demonio ang pinalabas niya.
Mark 16:9


Inyong pansinin mga Kaibigan sa talatang 2 ng pumunta sila duon ay wala na siya pero dito sa 9 ay nagbangon siya sa unang araw ng sanglinggo pero ano ang totoo .

Ang Mark 16:9 to 20 ay hindi po ito parte ng Gospel ni Mark kaya naman marami itong nailigaw na mga tao dahil sa mga talatang ito kaya naman marami sa mga tao na ang paniniwala ay biernes namatay ang Panginoong JesusCristo.

Kaya naman hindi lalapat yung Talatang nasa Mateo 12:40 na Tanda ni Jonas Kasi ang kalendaryong ginamit nung mga araw ng Panginoong JesusCristo ay Hebreo or Jewish Calendar.

Ang pagbilang ng mga araw ng mga Judio ay nagsisimula sa paglubog ng Araw o Sundown at nagtatapos ito sa paglubog din ng araw at duon sila naguumpisa ng kanilang bilang ng mga araw hangang maka pito sila at duon naman mag uumpisa yung unang sanglinggo nila.

Ating suportahan yung mga inilatag natin para wala silang masabi siguro naman hindi nyo tutulan yung nakasulat na itinuturo ng banal na Kasulatan.

Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.
Matthew 28:1

Siya’y wala rito; sapagka’t siya’y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.
Matthew 28:6

Bakit nga ba natin kailangan gunitain at alalahanin ang kanyang kamatayan .Papaano ba natin ito dapat alalahanin at ano ba yung dapat isagawa at kailan ito dapat ganapin ?

At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
1 Corinthians 11:24

At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
1 Corinthians 11:25

Sapagka’t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
1 Corinthians 11:26

Malinaw naman sa mga talatang inilatag natin na kailangan itong ganapin at gunitain pero kailan at anong kalendaryo ang dapat nating pagbasehan?

At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura, nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua?
Mark 14:12

Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.
Luke 22:1

Malapit na nga ang paskua, na pista ng mga Judio.
John 6:4

Ang buwang ito’y magiging sa inyo’y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.
Exodus 12:2

Bakit nga ba hindi January 1 tulad ng nakaugaliaan ng mga maraming tao ito bay naayon sa Banal na Kasulatan o isa lamang pandaraya ng kalaban ng Dios . Ating ungkatim at alamin bakit nga ba may bagong taon?

Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, ay apat na raan at tatlong pung taon.
Exodus 12:40
At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto.
Exodus 12:41
Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi.
Exodus 12:42

Siguro naman malinaw na sa inyo kung ano ang dahilan kung bakit mayroong Bagong Taon dahil inalin sila ng 430 na taon hindi mo naman siguro tu tutulan yung nakasulat?

At siya’y dumampot ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
Luke 22:19

Pangalan ng Dios

Image

  Kaya’t inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako’y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.
Jeremiah 44:26

  Handa naba kayong malaman kung ano talaga yung tunay na PANGALAN NG DIOS halika samahan nyo akong tuklasin ang katotohanan ano nga ba ang kanyang pangalan
Adonai
Yahweh
Jehovah
Jah
YHWH
Dito sa talatang ibinigay ko ay hindi raw mababangit yung Pangalan niya at kung hindi mababanggit eh ano yung itatawag natin sa kanya. Ganito ang sabi ng Panginoong Jesus Cristo

  Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Matthew 6:9

  Siguro naman hindi ka tututol sa kasulatan lalo na ang Panginoong Jesus Cristo ang nagsabi eh siempre maglalaro sa isip mo eh papaano naman sa ibang. Language ganito po yan kaya po sinabi ng Dios kay Propeta Jeremias HINDI MABABANNGIT ANG AKING PANGALAN kasi may KALABAN at Gagamitin ito at liliinlangin yung mga Tao at ililigaw sa mga paniniwala nila sa tunay na Dios kaya minabuti ito ng Dios na ilihim ito. At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay makatawag anu man ang Lengguahe nito anuman ang kulay ng balat mo dahil ang Dios ay hindi nagtatangi.

  At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
Acts 10:34

  Marami ang nagpilit mag ayos ngt mga kasulatan ngunit wala sa kanila yung pinili dahil yung mga lingkod lamang ng Dios yung mga kinasihan ano ang patunay natin

  Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
(Luke 1:1)
  Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita,
(Luke 1:2)
  Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
(Luke 1:3)

  Pero sino nga ba yung mga Authority para magsabi at magsalin ng mga kasulatan yun bang mga inutusan ng Dios o yung pinili lang ng mga Tao nasa sa inyo na ang pag papasya at hindi ko kayo pinipilit na maniwala sa akin bagkus ay pakinggan nyo lamang ang aking sasabihin at baka sakaling maunawa ninyo yung aking nauunawaan dahil hindi lahat ay nakaka-unawa .

  Datapuwa’t sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban.
(Matthew 19:11)

Tetragrammaton ay tumutukoy sa apat na titik sa Hebreo, YHWH, na kumakatawan sa banal na pangalan ng Diyos sa Hebreong Bibliya. Ito ay kadalasang transliterated bilang YHWH

  Kung ang Biblia ang pagbabasehan natin sang ayon sa mga naunang talata na inilatag ko hindi ito pwedeng banggitin ng kahit na sino na tagasunod ng Dios .Kaya naman sinunod ito ng mga lingkod ng Dios kayat kung inyong mapapansin nanatili ito sa apat na Letra o YHWH kasi ang mga linggkod ng Dios ay may takot sa Dios kaya naman sinabi niya sa mga alagad.

 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
Deuteronomy 12:32

  Siguro naman hindi ka mangangahas na suwayin ito nakasulat na baka naman tutulan mo pa .Kaya nga dahil sa mga malikhaing kaisipan ng mga tao ay sinunod nila ang kanilang ibig hindi ang pagsunod sa Dios.

  Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.
Ecclesiastes 12:13

  Dapat ba mag imbento tayo ayon sa idinidikta ng ating kaisipan babaliwalain ba natin ang mga kasulatan na nagsasabi na hindi dapat nasa sa iyong pang unawa na kaibigan kung alin ang tama at mali.Eh ano nga ba ang pangalan ng Dios Ama .

  At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
Exodus 3:13
  At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
Exodus 3:14
  At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Exodus 3:15

 Siguro inip na inip kana na malaman ano ba talaga yung Pangalann ng Dios Ama pero hayaan mo munang ipaintindi ko sayo yung lalim ng aral ng Biblia o Hiwaga na itinuturo ng Banal na Kasulatan.

1) YHWH
2) Ama namin na nasa Langit ka.
3) Ako Yaong Ako Nga
4) na ang Pangalan ay Banal
5) na ang Pangalan ay Mapanibughuin
6) na ang Pangalay Dios ng mga Hukbo

 Siguro naman may Idea kana kung ano yung tunay niyang pangalan at kung ano yung itinawag ng Anak Sa Dios AMA. Hayaan mo muna akong palalimin ko ang iyong unawa sa pagtuklas ng totoong Pangalan.

  Kailan ba naimbento yung Letter J para masabi natin na Jehovah o Yaweh ang Pangalan ng Dios basta na lamang ba natin ito papalitan at mag iimbento ng magustuhan natin lalabas niyan kanya kanyang salin yan walang katapusan na salin.Alamin natin sa Banal na Kasulatan kung ano yung ulat ng Biblia.